Mar Roxas, secretary of the Department of Interior and Local Government (DILG), and Malacanang spokesman Edwin Lacierda were in town just recently. On September 22, they went to the Baguio City General Hospital and Medical Center to visit two of the survivors of the road accident last September 9 which transpired in Buguias, Benguet. They were accompanied by Benguet Congressman Ronald Cosalan.
On a Facebook post by Cosalan, his office will handle the hospitalization bills of the two survivors. The solon added that Roxas and Lacierda handed over 108,000 each to the families of the thirteen people who perished because of the accident.
Secretary Roxas also delivered a
message for the victims and survivors of the accident on behalf of
President Aquino. Here's the message (H/T to Redjie Melvic Cawis):
"Kasalukuyan
pong nasa Estados Unidos ang ating mahal na Pangulo, subalit nais po
niyang ipaabot ang kanyang pakikiisa sa inyo. Hayaan po ninyong ibahagi
ko ang kanyang mensahe para sa lahat ng narito:
Roxas, Lacierda and Cosalan visiting one of the accident survivors at the BGHMC. Photo by the Benguet Congressional District. |
Roxas and Cosalan meeting the media. Photo by the Benguet Congressional District. |
Kasama ang mamamayan ng Benguet at ng ating mga kababayan, nais ko pong magpahayag ng pakikidalamhati at pakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng mga nasugatan at pumanaw sa naganap na aksidente sa Buguias. Sadyang may mga pangyayaring mahirap maintindihan. Ang magagawa natin ay magtiwala sa plano ng Poong Maykapal para sa atin, at dumamay sa isa’t isa para malampasan ang kalungkutang pinagdaraanan.
Kaya naman taos-pusong pasasalamat ang gusto kong ipaabot sa komunidad, samahan, kompanya, at mga pribadong indibidwal na hindi nagdalawang-isip na tumulong sa kani-kanilang paraan. Pinatunayan ninyo: talagang bukas ang palad ng Pilipino kapag may nakitang nangangailangan.
Makakaasa rin po kayo: Hindi kayo pababayaan ng ating pamahalaan. Nariyan ang iba’t ibang ahensiya at opisina para magbigay ng suporta, pati na rin ang inyong LGU. Patuloy rin po ang ating kapulisan sa kanilang imbestigasyon kaugnay ng trahedyang ito. Ang atin pong layunin: makapaglatag ng mga hakbang upang masigurong hindi na mauulit ang ganitong insidente. Ang pakiusap ko din po: isama na rin natin sa ating mga panalangin ang kumpletong recovery ni Elejoy, na na-discharge na sa Abathan Lutheran Hospital, at ang agarang paggaling nina Reyshan at Jamerose, na kasalukuyang nasa Baguio Medical Center pa.
Sina Efren, Jairah Flair, Maricel, Jera, Sheribeth, Jasmin, Minerva, Angie, Meljoy, Yvonne, John Ray, Marie Faith, at Charee ang patunay: ang halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa haba ng itinagal niya sa mundo, kundi sa pag-ibig, malasakit, at pakikitungo na ipinakita niya sa kanyang mga magulang, kapatid, guro, kaklase, at kaibigan. Ang pagbubuklod natin ngayon ay pagbabalik-tanaw sa ligayang dinala nila sa inyo.
Habang sinasariwa ang kanilang mga ngiti at yakap, pinagtitibay naman natin sa ating mga puso at isip ang kanilang mga alaala. Ito ang magbibigay sa atin ng lakas at gabay sa patuloy nating paglalakbay sa buhay. At sa ganitong paraan, masasabi nating hindi naman talaga nila tayo iniwan. Ipagdasal po natin sila, at sama-samang humakbang kipkip ang kanilang alaala.
Muli, isang taimtim na pakikiramay po sa inyo."